DWCSJ News - Monday, Sept 04, 2023
Graders, proud to be Pinoy
Ang paaralan ng Divine Word College ay nakiisa sa pagdiriwang ng taunang selebrasyon na ginaganap tuwing buwan ng Agosto at ito ay ang Buwan ng Wika. Sa taong ito ang tema ng pagdiriwang ay, "Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan". Puno ng kulay at saya ang palatuntunan na matagumpay na idinaos noong Ika-4 ng Setyembre na ginanap sa bulwagan ng Fr. McSherry. Ito ay dinaluhan ng mga mag-aaral, mga guro,tagapangasiwa ng paaralan at magulang.
Nagsimula ang programa sa ikalawa ng hapon sa pamamagitan ng Ama Nimi na inawit ng piling mag-aaral at guro at inaksyunan ng mga mag-aaral sa ikatlo at ikaapat na baitang. Kasunod nito ay ang pag-awit ng Lupang Hinirang at pagbigkas ng Vision, Mission, Goal at Core Values ng paaralan.
Nagbigay din ng pambungad na pananalita ang Ama ng Pangunahing Departamento ng paaralan na si Dr. Jason S. Valera.
Ang bawat mag-aaral mula sa mababang paaralan hanggang sa kolehiyo ay nagpamalas ng kanilang galing sa pag-awit, at pagsayaw. Nagkaroon din ng paligsahan ng mga musa na nakasuot ng katutubong damit ng Mangyan. Ang lahat ay nasiyahan at muli naging matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Copyright © 2019 Divine Word College of San Jose. All Rights Reserved.
Developed by webmaster