DWCSJ News - Tuesday, September 12, 2023
Setyembre 4 - Bilang paggunita sa Buwan ng Wika, isinagawa ng Divine Word College ng San Jose ang isang malaking selebrasyon upang itaguyod at palawakin ang wikang Filipino at mga katutubong wika. Ang espesyal na okasyon na ginanap sa Fr. McSherry Gymnasium ay nagpamalas ng dedikasyon ng paaralan na magbigay ng pantay at inklusibong edukasyon sa pamamagitan ng pagpapahalaga at pagpapalaganap ng Wikang Filipino.
Sa temang "Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Siguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan," pinahalagahan ni G. Luis I. Gante Jr., dekano ng kolehiyo, ang kahalagahan ng pag-aalaga sa wikang Filipino at kultura batay sa mga aral na iniwan ng ating mga bayani. Binigyang-diin niya na sa pagtanggap ng ating wika at kultural na pamana, nagiging matatag ang ating pambansang pagkakakilanlan at nagkakaroon tayo ng pagkakaisa bilang mga Pilipino.
Isa sa mga tampok ng pagdiriwang ay ang patimpalak sa mga natatanging binibini ng paaralan at ang mga nakoronahan ay ang mga sumusunod:
Ang tagumpay ng pagdiriwang ay hindi magiging posible kung hindi sa mga guro na nanguna sa pagpapatupad nito, ito ay sina Gng. Maritess C. Abordo, Gng. Gina L. Alava, Gng. Brenda J. Tamayosa at Gng. Gemma V. Santiago. Naging bahagi din ng pagdiriwang ang pagsusuot ng pang Buwan ng Wika ng kasuotan ng lahat ng mag-aral. Itinanghal na Natatanging Kasuotan sa Junior High School sina Bb. Atasha Cruz at G. Noah Aguila, sa Senior High School sina Bb. Margarette Ashley Fuentes at G. Orion Gregory Lee Means, sa Kolehiyo sina Bb. Shannen Dionio at G. Earl Miguel Dela Cruz, at sina Dr. Jenny G. Limos at Dr. Jason S. Valera sa mga kaguruan ng eskwelahan.
- The Pioneer
Copyright © 2019 Divine Word College of San Jose. All Rights Reserved.
Developed by webmaster