DWCSJ News - Fri, Sept 23, 2022
Pinagdiriwang ng Senior High School (SHS) Department ang Buwan ng Wika 2022 na may temang "Filipino at nga katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha", sa kani-kanilang mga silid-aralan, Agosto 13.
Sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng mga patimpalak na pagsulat ng sanaysay at paggawa ng poster slogan sa bawat klase. Hinikayat ang mga mag-aaral na lumahok sa halalan ng opisyales ng Organisasyong Filipino na pinangunahan nina Bb. Yuolle Valdez at Bb. Brenda Tamayosa. Sinundan ito ng halalan ng opisyales para sa Lemma Club na pinamunuan nina Dr. Jenny Galay at Bb. Stephanie Clavel.
Itinanghal ng mga mag-aaral ng SHS ang kanilang mga tradisyonal na kasuotan para sa pangunahing selebrasyon kinahapunan. Binuksan nang opisyal ni Dr. Jason Valera, Punong Guro ng Basic Education Department ang programa na sinundan naman ng mga aktibidad at mas maraming panglahatang patimpalak tulad ng talasalitaan, dalumbilo, at trivia. Bawat silid-aralan ay nagkaroon ng sarili nilang salo-salo.
-Michelle Joy Sales Villanueva
Copyright © 2019 Divine Word College of San Jose. All Rights Reserved.
Developed by webmaster