DWCSJ News - Tue, Aug 30, 2022
Upang ipagdiwang ang ating buwan ng wika, may handog kaming tula para sa inyo.
Buwan ng Wika
Ano nga ba'ng halaga?
Minsan 'sang taon
Inaalala
Bakit nga ba?
Ito ba'y napapanahon pa?
Ngayong mas tinatangkilik
Ang mga Korean novela
Taon taon tulad ng sa ngayon
Ipinapaalala ang yaman ng ating kultura
Tuwa, lungkot dugo't pawis ang inalay
Ng mga ninong unang namuhay
Kaya't halika na aking mga irog
Sabay sabay tayong magpaimbulog
Katipunerong kasuotan o bahag man yan
Baro't saya atin ng ipangalandakan
Hayaan nating magningning
Ang kinang ng ating sining
Hindi ba't anong sarap pagpistahan
Mga kakanin sa salo salo ating pagsaluhan
Tayo ng umindak sa Cariñosa't Tinikling
Sa saliw ng mga lumang tugtugin
Hindi baga't nakakatindig balahibo
Kapag iyong narinig ang "Ang bayan ko't Ako'y Pilipino"
Tunay ngang nakakataas noo
Lahat ng pinagdaanan ng mga ninuno ko
Di ko na kailangan mag sunda-sundalo
Dahil mahal ko ang bayan ko at ako'y Pilipino
-Julia Pauleen D. Gomez, Julianah Calynne D. Calayag
Copyright © 2019 Divine Word College of San Jose. All Rights Reserved.
Developed by webmaster