DWCSJ News
DWCSJ Logo

Divine Word College of San Jose

General Lukban St., Brgy. 8, San Jose, Occidental Mindoro
Tel:(043)-457-0472; (043)-457-0474
SHS Department
News Lists 2022

DWCSJ News - Tue, Sept 20, 2022


Virtual Basic Education School Orientation Program

Basic Ed Virtual Orientation img

Isang oryentasyon ang naganap noong ika-16 ng Agosto 2022 na tinawag na, Virtual Basic Education School Orientation Program. Ang nasabing oryentasyon ay gumamit ng platapormang Zoom Meeting na nagsimula noong ika-2:00 ng hapon ng nasabing petsa. Ito ay pinangunahan ni Gng. Rosana P. Estepa.

Pinangunahan ng Punong-Guro ng Basic Education, Dr. Jason S. Valera ang pambungad na pananalita. Kasunod nito, ibinahagi nya ang mga bagong impormasyon tungkol sa paaralan tulad ng pagpapatupad ng full blast face-to-face classes sa buwan ng Nobyembre. Dagdag pa rito, ngayong akademikong taon, magsisimula ang klase sa bagong modalidad ng pagtuturo at pag-aaral na tinatawag na "Hybrid Teaching Modality", o sa wika ng DWCSJ na "Enhanced Customized Online Learning". "This is now a new normal, but a better normal", tugon ng Punong-guro ng Basic Education.

Kasunod nito, nagbigay pahayag ang iba't ibang mga opisyales ng paaralan sa iba't ibang aktibidades na nakahanay sa kanila.

Ang Vice President for Finance, na si Fr. Paulus Karmani, SVD, ay tinalakay ang mga detalye tungkol sa pagpopondo ng mga bagay sa paaralan, katulad ng mga diskwento sa matrikula, grab-ins, at mga pondong kailangan ibalik.

Para naman kay Fr. Felino B. Javines, Jr., SVD, DM, Vice President for Academic Affairs at Dean of Graduate School, tinalakay ang mga usapin para sa mga gaganaping aktibidades ng Basic Education, pagpapatuloy ng saving program, pagpapahusay ng programa sa P.E.H sa Senior High School at ilang paksa tungkol sa opisina hinggil sa operasyon ng DWCSJ.

Ang Vice President for Administration/School Chaplain, Fr. Si Thaddeus J. Teaño, SVD, ay nangakong titiyakin na magkaroon ng conclusive environment ang paaralan.

Tinalakay ni Dr. Valera, ang mga tungkulin ng mga suumusunod na opisyal, tulad ng: Basic Ed Principal, akademikong tagapag-ugnay: CDC at GS Coordinator Gng. Annabel G. Arconada, LPT; JHS Academic Coordinator Gng. Pinky N. Pagayonan, LPT; SHS Academic Coordinator Gng. Imelda V. Rodriguez, LPT; at ang Hybrid timeline para sa Agosto 16 hanggang Oktubre 31, 2022.

Inihayag din ni Gng. Rodriguez na ang DWCSJ ay nakakuha ng pinakamataas na populasyon para sa buong Senior High School Students sa buong Occidental Mindoro, mula pa noong 2016.

Ang Student Affairs Director, Bb. Ana Mae D. Tividad, LPT ay tinalakay ang papel ng Office of Student Affairs at mga organisasyon ng mga mag-aaral.

Ang Library Orientation ay pinamunuan ni Bb. Rizza Rose C. Aspa, RL, School Librarian. Tinalakay nya ang tungkol sa tungkulin ng Basic Education Library, mga iskedyul, tauhan, serbisyo sa circulation desk, mga koleksyon at ibang media.

Ang Head of Guidance Office, Bb. Rezzielyn M. Castro, RPm ay pinamunuan ang Guidance Office Orientation.

The Medical and Dental Clinic ay pinangunahan ng School Nurse na si Gng. Vanessa V. Llaga, RN.

Mula sa IT Department, itinuro ni G. Jhonil Avanzado kung paano gamitin ang LMS o SIAS.

Ang mga bagong impormasyon sa katina ng paaralan ay tinalakay ni Dr. Valera, na sisundan ng isang open forum.

Matapos ang mahaba at mabungang miting, ang pangwakas na pananalita ay ibinahagi ni Gng. Rodriguez.

Ang pangwakas na panalangin ay pinangunahan ni Gng. Elisa M. Billiones, LPT.

-Sabina Rasheed T. Tamares