DWCSJ News
DWCSJ Logo

Divine Word College of San Jose

General Lukban St., Brgy. 8, San Jose, Occidental Mindoro
Tel:(043)-457-0472; (043)-457-0474
SHS Department
News Lists 2022

DWCSJ News - Fri, Sept 23, 2022


DWCSJ ipinagdiwang ang kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria at ika-147 taon ng pagkatatag ng SVD

Mama Mary birthday img

Misang pasasalamat para sa kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria at sa pagdiriwang ng ika-147 taon ng Misyon ng Society of the Divine Word (SVD), dinaluhan ng buong institusyon ng Divine Word College of San Jose (DWCSJ) sa Fr. McSherry Gymnasium, Huwebes, ika-8 ng Setyembre.

Pinangunahan ni Obispo David William Valencia Antonio, DD ang misang pasasalamat kasama ng walong paring SVD, labing-tatlong paring diocesan, anim na deacons, at si Frater Min Gyo Lee, SVD. Kabilang sa mga dumalo ang mga mag-aaral, mga guro at kawani, at mga administrator ng DWCSJ.

Makikita naman sa harap ng DWCSJ Chapel ang "Balangkas ng Misyon" eksibisyon para sa pagdiriwang ng ika-147 taon ng Misyon ng SVD na naglalaman ng mga kasaysayan at katotohanan ng SVD.

-Jamiah Tin Mantile