DWCSJ News
DWCSJ Logo

Divine Word College of San Jose

General Lukban St., Brgy. 8, San Jose, Occidental Mindoro
Tel:(043)-457-0472; (043)-457-0474
SHS Department
News Lists 2022

DWCSJ News - Tue, Sept 27, 2022


DWCSJ, UMAKSYON LABAN COVID-19

SHS Covid19 Vaccination img

Isinagawa ng Divine Word College of San Jose (DWCSJ), sa tulong ng Municipal Health Office at Department of Health (DOH) ang Vaccination Drive laban sa COVID-19 ngayong ika-7 ng umaga hanggang 12 ng tanghali sa loob ng Fr. McSherry Gymnasium, Setyembre 23.

Ang programang ito ay naglalayong labanan ang sakuna mula sa pandemya at madagdagaan ang bilang ng mga indibidwal na nabakunahan, sa pamamagitan ng pagturok ng bakunang booster na Pfizer at SinoVac.

Mga indibidwal na may edad 12 pataas lamang ang maaring magpabakuna sa naganap na drive. Mga kawani ng paaralan, guro, at mga mag-aaral ang dumalo upang mabigyan ng bakuna. Kabilang sa mga pamamaraan ng pagbakunang isinagawa ay ang pagfill-up ng admissions form, pagsuri ng vital signs at blood pressure, screening, pagturok ng bakuna, at post-monitoring.

-Sabina Rasheed T. Tamares