DWCSJ News
DWCSJ Logo

Divine Word College of San Jose

General Lukban St., Brgy. 8, San Jose, Occidental Mindoro
Tel:(043)-457-0472; (043)-457-0474
SHS Department
News Lists 2022

DWCSJ News - Fri, Sept 23, 2022


Buhay Matapos ang Pandemya

SHS Covid19 img

Malaki ang naging epekto ng pandemya sa ekonomiya, edukasyon, sa paraan ng pamumuhay lalo't higit sa pangkalahatang kalagayan ng isang tao sa aspekto ng pisikal, emosyonal, kaisaipan, at sosyal na kalusugan ng tao. Dumating ang COVID-19 sa panahon na hindi inaasahan at iiwan tayo sa panahong walang kasiguraduhan. Paano na nga ba ang buhay matapos ang pandemya? Makakabangon pa kaya tayo? Makakabalik pa kaya tayo sa dati? Ito ay ilan lamang sa mga agam-agam ng nakakarami.

And DWCSJ sa pangunguna ng Guidance Office ay nagkaroon ng isang webinar tungkol sa mental illness na maaring dala ng pandemya na may pamagat na "Aftermath of COVID-19: Ways to take care of your mental health". Ginanap ito noong ika-19 ng Agosto 2022 sa ganap na ika- 2:00 ng hapon.

Ang programa ay sinimulan ni Dr. Jason S. Valera, Basic Education Principal, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pambungad na bati. Ang mga panauhing tagapagsalita ay sila: Bb. April Joyce Bitancor, isang Registered Psychometrician. Tinalakay nya ang mga sumsunod na paksa: How COVID-19 Affects Us?, How to Manage the Worry Caused by the Pandemic? at Mental Health and Post-COVID Awareness.

Sinundan ito ni Gregorio S. Naldo, Jr. RPm, RPsy na may mga paksang: The Basics of Good Mental Health and Stigma, You're Burn Out, Not Lazy; at How to Practice Self-Love?

Matapos ang makabuluhang talakayan isisnunod ang pabibigay ng mga sertipiko bilang pagkilala sa mga ambag ng mga panauhing tagapagsalita.

Nagbigay ng pangwakas na pananalita si Gng. Imelda V. Rodriguez, ang SHS Coordinator.

Ang nasabing webinar ay dinaluhan ng mga mag-aaral, guro, empleyado at mga magulang.

-Sabina Rasheed T. Tamares