DWCSJ News
DWCSJ Logo

Divine Word College of San Jose

General Lukban St., Brgy. 8, San Jose, Occidental Mindoro
Tel:(043)-457-0472; (043)-457-0474
SHS Department
News Lists 2022

DWCSJ News - Tue, Sept 20, 2022


MGA BAGONG LIDER, GANAP NA ANG LIDERATO

New Leader img

Lider ng mga organisasyong pampaaralan, opisyal na itinalaga sa ginanap na Induction sa DWCSJ Chapel, Biyernes, Setyembre 16.

Inanyayahan ang lahat ng mga bagong halal na opisyales ng mga organisasyong pampaaralan na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya na pinangunahan ng VP for Administration at School Chaplain na si Rev. Fr. Thaddeus J. Teano, SVD, bago opisyal na ideklara ang kanilang liderato.

Bago tuluyang magtapos ang misa, sinimulan at pinangunahan na ni Rev. Fr. Thaddeus J. Teano, SVD ang panunumpa ng mga lider. Nanguna dito ang Central Board Officer ng Grade School Department. Kasunod nito ay ang Student Affair Central Board ng Junior High School Department at panghuli ang Student Coordinating Council ng Senior High School Department. Isinunod naman dito ang panunumpa ng mga opisyales ng klase at iba pang organisasyong mag-aaral.

Pagkatapos ng misa ay nagbigay naman ng kaunting pagbati ang Punong-guro ng Basic Education Department na si Dr. Jason S. Valera. Pagkatapos ay ipinakilala na ng Student Affair Director na si Bb. Ana Mae Tividad ang mga organisasyon sa bawat departamento para sa isang litrato. Kabilang sa Induction ay ang mga organisasyon mula sa Departamento ng Grade School gaya ng Central Board Officers, Math Club, Science Club, AP Club, Homemakers Club, Himig Choir Club, Children of Mary Club, at Robotics Club.

Student Affair Central Board, Robotics Club, Sports Club, English Club, History Club, Filipino Club, Math Club, Science Club, TLE Club, at Arts and Photography Club naman ang mga organisasyong mayroon sa Departamento ng Junior High School. Kabilang din dito ang Departamento ng Senior High School na mayroong Student Coordinating Council, Lemma Club, History Club, Science Club, Meraki Club, Sports Club, at Bakas Club.

-Jamiah Tin Mantile