DWCSJ News
DWCSJ Logo

Divine Word College of San Jose

General Lukban St., Brgy. 8, San Jose, Occidental Mindoro
Tel:(043)-457-0472; (043)-457-0474
SHS Department
News Lists 2022

DWCSJ News - Tue, Sept 20, 2022


ASCEND, UMARANGKADA SA HALALANG SCC

ASCEND Party img

Nakamit ng buong partido ng Ascend ang pagkapanalo nito mula sa ginanap na halalan ng bagong Student Coordinating Council ng Senior High School Department para sa akademikong taong 2022-2023, Biyernes, Setyembre 9.

Inilunsad ang simula ng kampanya sa pamamagitan ng room-to-room campaign noong Setyembre 5-6 at inilahad naman ng mga kandidato ang kanilang mga kumpletong plano para sa departamento sa Miting de Avance na ginanap noong Setyembre 7.

Nag-iisang partido ang Ascend kung kaya nakamit nila ang landslide na boto mula sa buong departamento. Nakuha ni Princess Christlen A. Corpuz ang 395 na boto ng mga mag-aaral ng SHS para sa pagkapresidente. 382 ang bumoto kay Dominica M. Bacorro bilang bise presidente at 391 na boto ang nakuha ni Jed Brian S. Candava bilang kalihim. Si Karyll Gwenn I. Masangkay ng ang nanalong ingat-yaman na may 386 na boto at si Perry Mark C. Zapeda naman ang nanalo bilang tagasuri sa 371 na boto nitong natanggap. Nanalong Business Manager si Lyzel Faith M. Villeza sa pamamagitan ng 380 na boto at si Ashley Joy Q. Lagare naman ang nanalo bilang tagapagbalita na nakatanggap ng 360 na boto. Sina Aaron C. Damiar, na nakakuha ng 354 na boto at Christian Theo B. Soliven na nakakuha naman ng 357 na boto ang nagwagi bilang mga tagapamayapa.

Nakuha ni Cassandra E. Enano ang 105 na boto bilang kinatawan ng STEM 11. Nanalo naman bilang kinatawan ng ABM 11 si Pauleen Nicole I. Vergara na may 31 na boto. Si Khen Kurllo A. Magbanua ang uupo bilang kinatawan ng HUMSS 11 sa nakuha niyang 44 na boto. Nanalo bilang kinatawan ng buong STEM 12 si Joey II C. Roca na may 111 na boto. Nakakuha si Paula Louise Nicole A. Diaz ng 40 na boto bilang kinatawan ng ABM 12 at 45 na boto naman ang natanggap ni Ronnie P. Anacleto bilang kinatawan ng HUMSS 12.

-Michelle Joy S. Villanueva