DWCSJ News
DWCSJ Logo

Divine Word College of San Jose

General Lukban St., Brgy. 8, San Jose, Occidental Mindoro
Tel:(043)-457-0472; (043)-457-0474
SHS Department
News Lists 2022

DWCSJ News - Sat, Oct 08, 2022


DWCSJ binigyang-dangal ang mga guro, empleyado

Teachers Day img

Ipinagdiwang ng mga mag-aaral, guro, at empleyado ng Divine Word College of San Jose (DWCSJ) ang World Teachers and Staffs Day na may temang "The Transformation of Education Begins with Teachers", sa pamamagitan ng banal na misa at maikling programa na ginanap sa Fr. McSherry Gymasium, Oktubre 5.

Pinamunuan ni Fr. Felino B. Javines, Jr., SVD, DM ang misa kasama sina Fr. Renato A. Tampol, SVD, Ph.D, Fr. Thaddeus J. Teaño, SVD, Fr. Paulus Karmani, SVD, Bro. Vincent T. Iopam, at Frater Min Gyo Lee, SVD na nagsimula ng ika-8 ng umaga.

Pinangunahan nina Franchesca Dinglasan at Kenneth Alvarado bilang punong-abala ang maikling programa pagkatapos ng banal na misa. Sinimulan ito ng dasal na pinamunuan ng Grade School Central Board (GSCB) Vice-President Joellie Kate R. Dioso. Binuksan ni Marlu M. Marigmen, College Student Council (CSC) President ang programa na sinundan naman ng intermission number ng GSCB Officers at ilang piling mag-aaral. Nagtanghal si Ela Marie H. Altayo mula sa Grade School Department ng kantang "The Climb" at sumunod naman dito ang intermission number ng Junior High School. Naghatid ng spoken word poetry para sa mga guro si Ronnie P. Anacleto ng Senior High School Department. Nagtanghal din ng sayaw ang College Department. Lahat ng departamento ay naghanda ng kanilang maikling video presentation ng pagbati sa mga guro at empleyado.

Bilang pagtatapos ng programa, inihatid ni Dominica Bacorro, Student Coordinating Council (SCC) Vice-President ang kaniyang closing remarks at kasunod nito ang closing prayer na pinangunahan ng Student Affairs Central Board (SACB) Vice-President Anya Mira S. Candava. Opisyal na nagwakas ang programa sa sabayang pag-awit ng DWCSJ Hymn at sumunod naman dito ang selebrasyon ng lahat ng mga guro at empleyado, kasama ang school administrators at lahat ng student council organizations sa Seasons Hotel and Convention Center.

-Michelle Joy S. Villanueva