DWCSJ News
DWCSJ Logo

Divine Word College of San Jose

General Lukban St., Brgy. 8, San Jose, Occidental Mindoro
Tel:(043)-457-0472; (043)-457-0474
SHS Department
News Lists 2022

DWCSJ News - Thu, Nov 03, 2022


DWCSJ, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG WORLD MENTAL HEALTH MONTH

World Mental Health img

Ginanap sa DWCSJ Fr. McSherry Gymnasium bilang pagbibigay pugay sa World Mental Health Day ang mental health awareness seminar na pinamagatang "Special New Episode: Defying Stigmas", ika-27 ng Oktubre. Ito ay ibinahagi ng DWCSJ Guidance Office and DWCSJ Peer Facilitator Organization. Ang programang ito ay dinaluhan ng mga mag-aaral sa departmento ng JHS at SHS, mga guro at empleyado ng paaralan.

Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng pagrerehistro ng mga kasali na pinangunahan ng Student Coordinating Council (SCC). Ang nasabing programa ay inilunsad sa pangunguna ng Peer Facilitator Coordinators na sina G. Tyrone Bryle Pascual at Bb. Jessa Mae Bandelan. Sinimulan ito sa isang pambungad na panalangin, sinundan ng pambansang awit at pambungad na pagbati na ibinahagi ni Fr. Felino B. Javines, Jr., SVD, DM. Sinundan ito ng isang intermission number na pinangunahan ng Peer Facilitator Organization.

Ang unang panauhing tagapagsalita ay si Bb. Krizza Mae D. Salcedo, RPM na may paksang "Mastering Resilience to Thrive and Survive". Nakapaloob din sa paksa ni Bb. Salcedo ang "Resilience at Optimism". Kasunod nito ay ang paksang "The Impact of Toxic Norms on Mental Health" na ibinahagi ni Bb. Reji A. Pancho, RSW kung saan tinalakay dito ang mga kumbensyon sa mga karapatan ng mga bata, mental health check-in scale, winning ways to well-being, at iba pa. Ginawaran ng Certificate of Appreciation sina Bb. Salcedo at Bb. Pancho matapos ang kanilang makabuluhang presentasyon.

Nagkaroon ng mabungang tanungan matapos ang mga presentasyon na aktibong sinalihan ng mga mag aaral. Ang pangwakas na pananalita ay pinangunahan ni Bb. Lyka S. Abos. Kasunod nito ang pangwakas na pasasalamat ni Bb. Rezzielyn C. Enriquez.

Natapos ang programa sa pamamagitan ng pangwakas na panalangin na sinundan ng DWCSJ Hymn.

-Sabina Rasheed Tamares