DWCSJ News
DWCSJ Logo

Divine Word College of San Jose

General Lukban St., Brgy. 8, San Jose, Occidental Mindoro
Tel:(043)-457-0472; (043)-457-0474
SHS Department
News Lists 2022

DWCSJ News - Tue, Dec 06, 2022


Quarterly Parents' Meeting at Release of Cards

Quarterly Parents' Meeting at Release of Cards img

NAGTIPON ang mga magulang ng mga mag-aaral ng departamentong Senior High School (SHS) para sa Quarterly Parents' Meeting at Release of Cards sa Fr. McSherry Gymnasium, Nobyembre 26 mula 8:30 hanggang ika-11 ng umaga.

Pinamunuan ni Bb. Stephanie Clavel ang daloy ng programa at sinimulan ito sa pamamagitan ng pagdarasal na pinangunahan ni Bb. Yuolle Valdez. Binuksan ni Bb. Imelda Rodriguez, punong-guro ng Senior High School ang programa sa kaniyang opening remarks. Ipinakilala din niya ang buong faculty ng departamento, at ibinahagi niya ang iilan sa mga mahahalagang paksang tatalakayin sa pagpupulong tulad ng full face-to-face na klase para sa ikalawang semester at pamamalakad para sa qualified voucher recipients (QVR).

Itinalakay ni Bb. Brenda Tamayosa, Prefect of Discipline ng departamento ang mga patakaran at regulasyon ng paaralan, kasama na ang dress code at proper school uniform para sa mga mag-aaral. Muling bumalik si Bb. Rodriguez sa entablado upang ibahagi ang sistema ng pagbigay ng grado, iba't ibang uri ng parangal at honors at mga polisiya sa pagbigay nito, classroom academic award, principal's list, academic excellence award, SHS voucher program, at mga paraan kung paano makapagbabayad ng tuition fee.

Inanyayahan ng mga guro ang mga magulang upang magtanong para sa open forum at naitalakay dito ang suliranin sa kakulangan ng uniporme at tela sa paaralan at ang pagliban sa klase ng mga mag-aaral upang kumuha ng pagsusulit sa mga unibersidad. Isinara ni Bb. Elisa Billiones ang programa at tumuloy naman sa eleksyon ng homeroom, year level, at central board parents officers ang umaga saka naman ibinigay ng mga guro ang mga report card at class ranking sa kani-kanilang mga klase.

Balita ni:-Michelle Joy Villanueva